Balita

Corona! Corona! Jessica! Jessica!

GUILTY! Siyang hatol! Alahoy! Alahoy!
Twenty sa senators, sa pipol umayon!
Tatlo ang hinde! Miriam! Joker! Bongbong!
Pubring Alindahaw! Maryanung Garapon!
* * *
Yung Impeachment Trial madla sinubaybayan!
Malateleserye! Nguynguyan! Tawanan!
Wa! Lecture ni Miriam! Me tuwa! Me asar!
Nagtakip ng teynga! Tsk – tsk! Nabulyawan!
* * *
Putong na Corona ngayong inalis na!
Inda cu! Si P-Noy, smile abot teynga?
Conchita Morales! Alas na baraha
Nitong prosecution! Tunay, me konsensya!
* * *
Jessica! Jessica! Congrats! Karangalan!
Kahit pumangalawa! Dating e Number One!
Hihihi! ‘World Idol’ ngayon, kung bansagan!
Move over, Beyonce! Si Jessica! Hayan!
* * *
Holy Kalungkaling! Dun sa Memorial Day!
Si Jessica nag – sing ng National Anthem!
Hanga mga Kano! ‘The Prayer’ she sang din!
Sa Kris TV, will see? Pag uwi sa atin!
* * *
O, bueno! O, bueno! Pacquio tyak panalo!
Sa laban ke Bradley, nagbebet po ako!
Na si Chavit Singson! Makikita ninyo!
Sa naron! Sa wala! Dun sa entablado!
* * *
Okedok! Kikodok! Marami ang kilig!
Sina Sharon at Kuh! Dito magko – concert!
Me namamahalan sa presyo ng tiket?
Hmp, sey ni Bert Bugtong, bayad nyo e sulit!
* * *

Datans sa Square One! Sa Scarborough Town!
Dun sa Howard Street! Iba pang umpukan!
Sa Jameson Avenue! Parliament Street man!
Ace! Yung press conference, paksa ng usapan!
* * *
Kanilang hinimay! Punto – de – reclamo!
Nitong dalwang panig! Kanya – kanyang verso!
As usual ang isyu! E, tungkol sa pondo!
Me tameme! Tupe! Magsalita kamu!
* * *
Tararadyingpotpot! Kanya – kanyang istrok!
Hindi masisisi, me ayaw maki – group!
Tama nang mister daw, kanyang kasigalot!
Kahit na dakdakan! Nasukob sa kumot!

Exit mobile version