Q. Hello Atty. Wong, mayroon pong inaalok sa akin na agricultural land na 3 hectares. Ang hawak ng seller na papeles ay ung tinatawag na Certificate of Land Ownership Award(CLOA). Maari ko bang bilhin ko ang lupa at hindi po ba ako magka problema?
ANS: Hello there, ang CLOA, or Certificate of Land Ownership ay isang dokomento kung saan ang lupa na-iaward sa grantee ay beneficiary ng Departmet of Agrarian Reform(DAR) ayon sa Comprehensive Agrarian Reform Law(R.A. No.6657).
Ang CLOA ay pinagkakaloob ng Department of Agrarian Reform(DAR) sa mga Land Reform beneficiaries. Mag-ingat sa pag bili ng lupa na covered ng CLOA, dahil marami itong mga kaakibat na mga restrictions at conditions. Ayon sa Section 27, ng CARL Law, ang lupa ma- acquired sa ilalim ng nasabing batas, ay hindi maaring ibenta, ilipat, sangla or i-assign sa iba maliban na lang sa pamamagitan sa pagmana ng mga heirs ng CLOA beneficiary na namatay or sa LandBank or sa gobyerno, at sa ibang qualified na beneficiaries sa loob ng 10 years from the date of award. At magpaganoon pa man, ang mga anak at asawa ng nag lipat nito ay mayroong karapatang bilhin uli ang lupa, mula sa gobyerno, LandBank sa loob ng 2 taon mula nang nailipat ito sa qualified beneficiary.
Kung hindi pa fully paid ang lupa on the part of beneficiary ang “rights” ng lupa ay maaring ilipat or isalin sa sino mang tagapag mana ng land beneficiary at sa ibang beneficiary sa kondisyon na ang hahalili ay personally mag cultivate ng lupa. Pag hindi ito nasunod ang lupa ay ibabalik sa Landbank of the
2
Philippines(LBP). Kung hindi ka naman maituturing na “Qualified Beneficiary” sa ngayon, mahirap sumugal sa lupang ito.
Bago mo bilhin ang inaalok sa iyo, ay makipag ugnayan muna kayo sa Department of Agrarian Reform(DAR) at alamin mo ano ang status ng nasabing lupa, at kung sakali mang maari itong mailipat sa iba, at kung ikaw ay considered as “Qualified Land Reform Beneficiary. Take note na ayon sa batas, ano mang pag benta o pag lipat ng lupa na labag sa restriction na sinasaad ng CARL ay considered as null and void so masasayang lang and perang ibabayad mo.
Xxx xxx xxx
Learning is empowerment. For more information follow the Batas Pinoy Global in the YouTube.com Batas Pinoy Channel. kindly click the subscribed, share, like buttons and tap the notification bell, for future video updates.
Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.
Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC.
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com . WARNING: This communication is intended for use by the individual(s) to whom it is specifically addressed and should not be read by, or delivered to, any other person. Such communication may contain privileged or confidential information. If you have received this communication in error, please notify the sender and delete this e-mail message immediately. Thank you for your cooperation. * * *