Category Archives: Ang Butihing Bayanga

SAAN SA GUBAT NG MGA KASALANAN?

Dalawang linggo pa lamang sina Francis at Junichi sa San Isidro ngunit halata ni Francis na may bumabagabag kay Junichi. Naaaninag iyon ni Francis sa mga kilos ni Junichi, nararamdaman sa kanyang mga pananalita. “What’s the matter?” naitanong ni Francis isang araw na nakita niyang tila may malalim na iniisip si Junichi. “Nothing. I am just thinking of… Read More »

SAAN SA GUBAT NG MGA KASALANAN?

Dalawang linggo pa lamang sina Francis at Junichi sa San Isidro ngunit halata ni Francis na may bumabagabag kay Junichi. Naaaninag iyon ni Francis sa mga kilos ni Junichi, nararamdaman sa kanyang mga pananalita. “What’s the matter?” naitanong ni Francis isang araw na nakita niyang tila may malalim na iniisip si Junichi. “Nothing. I am just thinking of… Read More »

SILANG MGA KABATAAN

ITO ang katayuan ng Isla de Oriente ngayon: nauubos ang mga yaman na bunga ng kalikasan, napakabilis na pagdami ng tao, mga bata at kabataang kulang sa tamang dunong at aral at mga katandaang sobra sa dasal ngunit kulang sa gawa na para bang sa dasal lamang makakamit ang kabanalan. Dahil sa ganitong mga kalagayang tila walang pagbabago,… Read More »

SI GOVERNOR AT SI MAYOR

AYON sa hindi pa katagalang kasaysayan, ang dynasty na kasalukuyang naghahari sa Isla de Oriente ay napunla ng may isang dayuhang negosyante, si Mr. Sah Kim na nakita ang mga yaman ng isla: ang mga kagubatan na sagana sa mga malalaki at mayayabong na matitigas na mga kahoy at mga bundok na sagana sa mga mina. Nadagdag pa… Read More »

ANG SAN ISIDRO CATHEDRAL

 ANG San Isidro Cathedral, sinasabi sa tansong plake sa harapan nito, ay itinayo ng mga Kastila. noong 1894 o dalawang taon bago binaril sa Bagumbayan ang dakilang bayani, si Dr. Jose Rizal. Umano, ang katedral na ito ay itinayo sapagkat sa alin mang lugar na nilagian o lalagian ng mga Kastila ay kailangan ang simbahan o katedral upang… Read More »

ANG PAARALAN SA SAN ISIDRO

 Iyo’y isang paaralang masasabing pangkaraniwang makikita sa San Isidro, na masasabi ring pangkaraniwan sa buong Isla de Oriente: mga silid aralan na kailangan ang kumpuni; mga bilang ng mga mag-aaral na sobra sa dami sa isang klase; mga batang gustong matamo ang karunungan ngunit dahil sa kakulangan nang tamang gamit, ang karunungang dapat makamtan ay hindi nakakamtan; mga… Read More »

DAHIL SA ISANG LARAWAN

 Dalawang araw nang nakapagpapahinga sina Francis at Junichi. Medyo nakapag-adjust na ang kanilang katawan sa bagong time zone. Komportable na si Junichi sa bagong kapaligiran. Sa dahilang mahirap ipaliwanag ay parang hindi siya namamahay sa kanyang bagong tirahan na para bang siya ay bahagi nito, na parang ito ay kanyang tunay na tirahan gayong ngayon lamang siya napunta… Read More »

ANG ISLA DE ORIENTE

 Iyo’y humigit kumulang ay apat na oras na paglalakbay sa bahaging iyon ng China Sea bago nila narating ang Isla de Oriente. Umangkla ang ferry. Bumunghalit sa microphone and boses ng kapitan at sinasabi na maari nang bumaba ang mga pasahero. Bumaba ang rampa sa harapan ng ferry at iyo’y sinapo nang konkretong pier. Dahan dahang umusad ang… Read More »

MAGAGANDA AT DI MAGAGANDANG MGA TANAWIN

                NAKAKATUWA ang paglalakbay o pagbabalik sa isang paglalakbay nang maraming mga Pilipino. Sa isang aalis upang mangibang bansa ay dose-dosena ang maghahatid na tila ang aalis ay patutungo sa isang lugar o isang bansa na ang naghihintay sa kanya ay tagumpay at kasaganaan. Kung alam lamang nila ang katotohanan na sa kabila ng bakod, ang damo ay… Read More »

MILAGRO SA BANAL NA SIMBAHAN

KABANALAN. Mayroon pa ba niyan kaibigan? Mayroon pa kaibigan. Ang kabanalan ay makikita sa banal na mga lugar, sa lugar ng mga himala at mga hiwaga sa bansang Israel. Sa ikapitong araw ng kanilang pamamasyal ay ipinasiya nilang magpunta sa Bethlehem at sila’y hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Nasindak sila nang malaman na ang Betlehem at Jerusalem ay… Read More »