Canada vs Philippines

By | January 26, 2025

Justin trudeau ay bumaba na

Sa kanyang pag alis may magbabago ba?

Sana pamumuhay ng mga Canadian lalong gumanda

Ang papalit maaasahan sana

Tayo ay maraming nang pinagdadaanan

Hirap ng buhay ay ramdam na

Sa taas ng mga bilihin makakasabay ba?

Lahat ng kinikita sa taxes napupunta

Siya ay nasangkot din sa kontrobersya

Pero dahil siguro sa konsensya

Napilitang magpaubaya sa iba

Ganyan  naman talaga dito sa Canada

Pero sa ating bayang sinilangan

Magsisilbi pa rin kahit galing sa kulungan

Pera at kakapalan ng mukha ang puhunan

Handa raw magsilbi sa ating bayan

Kahit ano pa kanilang kinasasangkutan

Para sa kanila madali itong pagtakpan

Lahat ng kaso kayang lusutan

Batas kanilang pinaglalaruan