Ni Edwin Esteba
Magaan sa damdamin ang makatulong ka
Kahit sino pa sila kahit hindi mo kilala
Dahil sabi nila kabutihan din ang ibabalik nila
Pero hindi pala totoo, akala lamang pala
Sa bawat pagtulong ko hindi ako humihingi ng kapalit
Dahil hindi naman nila ako pinilit
Taos sa puso ko ang magmalasakit
Pero sa totoo hindi naman ako mabait
Kaligayahan ko na ang makatulong sa kapwa
Kahit sa bandang huli ako pa ang kawawa
Sabi nga ni misis wala akong kadala dala
Eh kahit galit siya wala siyang magagawa
Sa akin naman ay marami rin ang tumulong
Hindi ko nakakalimutan lumipas man ang panahon
Kahit matagal na wala kami komunikasyon
Respeto ko sa kanila ay naroroon
Dahil ang kanilang nagawang kabutihan
Hindi mapapantayan ng kahit anuman
Pagtanaw ng utang na loob hindi mababayaran
Habang buhay maaalala ko yan
Pero may mga taong madaling makalimot
Pag natulungan mo na hindi mo na maabot
Kaya pag naaalala mo sa ulo ay napapakamot
Sila sa pagtulong sila ay madamot. Sent from Yahoo Mail for iPhone