Q. Greetings po,attorney! Ako po ay isa sa nanunuod ng iyong YouTube channel tungkol sa mga lupa.
Meron po ako nabiling lupa at ito ay may titulo, kaso po naka mother title po sya. Ang may ari po ay dalawang mag asawa at kasal at may mga anak kaso po namatay na po ang lalaki.
Nagkasundo po kaming nakabili ng lupa na ipa-survey para mahati hati at ngayon po gusto na po namin malipat na sa pangalan naming nakabili ang titulo.
Ang problema po contract of sale lang po ang hawak ko at nasa may ari pa po ang original titulo, ang rason po nila kung bakit hindi sila makapagpagawa ng extrajudicial at deed of sale kasi daw wala silang pera at ang anak nya ay nasa abroad kailangan din daw po kasi ang pirma ng mga anak nya para sa pagpagawa ng extrajudicial.
Pwede ko po ba hingin nalang ang original titulo sa kanila at kami nalang po ang magpagawa ng extrajudicial at deed of sale ? Ano po ang maipapayo nyo po?
Maraming Salamat po at more power. Mario.
ANS: Pwede namang kayo ang magpagawa ng Extrajudicial settlement of Estate with Partition at kung fully complied na ang terms and conditions ng inyong Contract to sell ay dapat ay magkaroon kayo ng Deed of Absolute sale na pirmado ninyo at ng seller. Kung
wala ng ibang co-heirs ung nagbenta sa inyo, ay maari ninyong idemand na i-turn over sa inyong original title upang kahit paano ay mayroon kayong panghahawakan, at i-work out na lang ng settlement of estate in the future.
However, kung mayroong ibang co-owners pa, at ung portion ng undivided property ang nabili ninyo ay mayroong issue rito, dahil maaring ayaw pumayag ung ibang heirs na
2
ipahiram sa inyon ung original title. Take note further na hanggang hindi fully paid ung Estate tax, Documentary Stamp tax , capital gains tax, including penalty at interest charges, sa kabuuang property kasama na ung portion na inyong nabili , ay hinidi rin mabibigyan ng certificate authorizing registration(car) galing sa BIR na kakailanganin ninyo as buyer and new owner sa pagpapalipat ng lupa na inyong nabili.
Maari ninyong i-advance muna ung mga bayaring mga taxes subject to reimbursement or i-shoulder na lang ninyo ang mga gastosin. Usually sa situation na kinaroroonan ninyo, ung buyer na lang ang pumapasan ng mga nasabing taxes. Ang buyer din ang mapornada pag hindi mailipat ung titulo sa kanilang pangalan at magpapatuloy ang pag lubo ng penalty at interest charges ng mga nasabing mga taxes.
Hinggil naman sa issue na out of the country ung anak ng seller to sign the settlement of the estate in the Philippines, ay maari namang ipag patuloy ang pag sign ng required settlement of estate through her Special Power of Attorney(SPA) na ipa acknowledge at notario niya sa Philippine Consulate abroad with red ribbon, at ipadala by courier ito sa inyo, at doon sa
nasabing SPA ay binigyan ng authority ang sino mang kamag anak niya sa Pilipinas an i pirma sa Extrajudicial Settlement of Estate with deed of absolute sale.
Learning is empowerment. For more information follow the Batas Pinoy in the YouTube.com Batas Pinoy Channel.
# # #
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
O