Balita

Be responsible

Nakarating lang ng canada naging vlogger na

Bansang pilipinas sinisiraan na

Karamihan mahilig magkumpara

Upang mga contents nila ay kumite

Baka sabihin nyo ako ay ipokrito

Kung mga reels ko ay magkakaroon ng views

At si meta ay may konting pakunswelo

Baka balang araw ako din ay susweldo

Pero hindi ko gagawin na siraan 

Bayan lupa kong sinilangan

Upang makahakot ng views na kinakailangan

Dahil ito ay pagtatraydor sa ating bayan

Bakit palagi nating ikinukumpara?

Sa Pilipinas kinikita mo sa Canada

Peso at dolyar ay hindi magkapareha

Purchasing power ay magkaiba

Halos ng vloggers dito ganyan ang tema

Minsan dumadaan sa timeline mo ay nakakairita na

Wala ba iyong content na magiging inspirasyon sila?

Hindi iyong maling impormasyon pinapakalat nila

Pero iyon ang tinatangkilik ng mga tao

Kahit alam nila na ito ay hindi totoo

Itama mo ang kanilang mga komento

Masasabihin ka pa ng bobo

Pero sana naman tayo ay maging responsable

Huwag maging sinungaling upang kumita ng doble doble

Dahil iyan ang matatatak sa ating mga imahe

Ang pilipino talaga ay may crab mentality

Exit mobile version