Panahon na naman ng taglamig
Tuwing nasa labas katawan ay nanginginig
Parang bang taong kulang sa dilig
Mahawakan lamang ay kinikilig
Kahit ano aming nararamdaman
Kailangan magkasakit ay iwasan
Dahil sa dami ba naman ng bayaran
Iiwasan natin na magkautang
Ngunit kahit gaano katibay ang katawan
Sakit tiyak ikaw ay tatamaan
Pero sa iba ay balewala lamang
Mas importante kita ay di mawawalan
Lahat na lamang ng sakripisyo ay pinagdadaanan
Tiniitiis lamig at madulas na daanan
Upang sa trabaho makapasok lamang
Dahil bawat sandali ay pinapahalagahan
Kapag sa amin ay mayroon masama ang pakiramdam
Palaging biruan nasa isip mo lamang iyan
Dahil bawal magkasakit sa amin ang sinuman
Iyan ang patunay na isang katotohanan
Pero sa amin ba ay may nakakaunawa
Sa amin ba ay merong naaawa
Kapag hindi ka nakapagbigay meron hindi natutuwa
Sino ba ang tunay na kawawa?
Bawal sa amin ang magkasakit
Dahil wala naman ibang nagmamalasakit
Pero kung sarili lang namin ang iniisip
Hindi na kami magpapakasakit