Balita

Batas Kriminal

Dear Atty. Rodriguez,

Nahuli ako ng pulis na nagmamaneho ng kotse ng aking kapatid. Medyo nakainom ako pero hindi ako lasing. Tinanong ako kung ako’y nakainom, nagsabi naman ako ng totoo. Sabi ko naka tatlong beer ako. Sa madaling salita, kinasuhan ako ng driving with over 80 mg. of alcohol in 100 milillitres of blood. Sa unang punta ko sa korte, sinabihan ako ng duty counsel na pag nag plead guilty ako sa careless driving ay mawawala ang criminal charge ko. Kasi daw ay mababa lang ang reading, 95 over 80 daw. Ano ba ang ibig sabihin nito? Pag ako ay nag plead guilty di ba ako magkakaroon ng criminal record dahil sa umamin ako na kasalanan ko nga? Sana ay matulungan nyo ako at nang maintindihan ko kung ano itong maari long pasukin. Ngayon lang ako nakasuhan kaya wala akong alam.

Salamat sa inyo.

Alexandro

Dear Alexandro,

Maswerte ka at binigyan ka ng ganitong offer ng Crown Attorney. Kalimitan mahigpit sila sa mg driver na nakainom. Ang naiisip kong dahilan sa binibigay nilang offer sayo ay mababa ang reading mo. Ibig sabihin ay lumampas ka nga ng 80 mg. ng alcohol pero 15 mg. lang na mas higit sa legal limit. Kung gusto mong mag enter ng guilty plea sa Highway Traffic Act offence na Careless Driving, ang gagawin ng Crown ay i-wiwithdraw nila ang criminal charge mo na over 80 na tinatawag. Ang ipapalit nila ay ang Careless driving offence under Section 30 of the Highway Traffic Act. Hindi ito Criminal charge.

Ito ang sinasabi sa Section 130 of the Highway Traffic Act:

130. Careless Driving – Every person is guilty of the offence of driving carelessly who drives a vehicle or street car on a highway without due care and attention or without reasonable consideration for other persons using the highway and on conviction liable to a fine of not less than $200 and not more than $1000 or to imprisonment for a term of not more than six months, or to both, and in addition his or her licence or permit may be suspended for a period of not more than two years.

Kung mag plead guilty ka sa careless driving, maaari kang hingan ng fine between $200 to $1000 at maaring i-suspinde ang iyong lisensya. Alamin mo muna kung ano ang hinihinging penalty ng Crown. Malamang nyan ay Fine ang at suspension ng iyong lisensiya. Hindi ka makukulong dahil ang original charge mo na over 80, ang penalty ay walang kasamang kulong, dahil ito ang kaun-unahang criminal charge mo tulad ng sabi mo. Sa madaling salita, pagkatapos mong mag plead guilty sa Careless driving, hihingian ng Fine at maaring suspension ng iyong lisensya. Wala kang criminal record pero magkakaroon ka ng 6 demerit points sa iyong driving record. Maaari nitong maapektuhan ang iyong insurance. Hindi lang ako sigurado kung ilang demerit points bago tumaas ang car insurance. Sana ay nasagot ko ang iyong tanong at naliwanagan ko kung ano man ang hindi mo maintindihan. Kung may iba ka pang tanong tungkol sa iyong kaso, maari kang tumawag sa abogado. Maaari mo rin akong tawagan sa (416) 733-2200. Ito ang numero sa aking opisina, at kami ay humahawak ng drinking and driving cases.

Feel free to email your questions to metrodriguez@gmail.com. You may email your question in either Tagalog or English and I will answer them in the same language you used. Please understand that it is not legal opinion or advice I will be providing. I will just give you information based on what the Criminal Code of Canada and existing jurisprudence may provide, on any issue that may arise out of your questions. Please remember that this column can only provide general information that may not apply to every case. If you need legal advice please contact a lawyer.

Exit mobile version