BATAS KRIMINAL – June 1, 2009

By | June 1, 2009

Dear Ms. Rodriguez:

Gusto ko lang po malaman kung ano ang dapat gawin kung sakaling minalas ako na mahuli ng pulis dahil nakainom ako at nag drive. Hindi po ako magaling mag ingles. Marunong ako mag ingles pero hirap ako makaintindi lalo na kung mabilis sila  magsalita at slang pa. Hindi ko minsan maintindihan. Ano po ba ang dapat kong gawin? Paano ko sasagutin ang tanong nila kung di ko naman maintindihan? Sana po ay matulungan ninyo ako.

Salamat po.

Paeng

Dear Paeng,

Huwag na huwag kang uminom at mag drive. Subalit kung sakaling mangyari ang sinasabi mo, kailangan mong ipaalam sa pulis na hindi mo sila naiintindihan. Ipaliwanag mo na marunong ka mag ingles pero hindi mo maintindihan ang sinasabi nila. May karapatan kang makipag usap sa abogado na marunong magsalita ng tagalong. Kalimitan, ang mga nahuhuling nakainom at nag drive ay dinadala sa presinto. Sa oras na sabihin nila na inaaresto ka nila, kailangan nilang ipaliwanag sa iyo ang karapatan mo under the Canadian Charter of Rights and Freedom na makipag usap at kumonsulta sa abogado. Kung wala kang kilalang abogado, ipapakausap nila sa iyo ang duty counsel. Ito ay libreng abogado na tinatawagan ng mga pulis para sa mga naaresto. Mahihirapan kang humanap ng duty counsel na marunong mag tagalong. Kaya ang sabihin mo sa kanila ay gusto mong makipag usap sa abogadong marunong magsalita ng Tagalog. Karapatan  mo ito. Pag hindi sila nakahanap, humingi ka ng phonebook at doon humanap ng abogado. Pag nalaman nila na kailangan mo ng abogadong nagsasalita ng Tagalog, kailangan ka nilang tulungan humanap nito. Mas madali kung meron kang BALITA newspaper sa bahay nyo dahil may mga pinoy na abogadong may advertisement dito. Tumawag ka sa bahay ninyo at ipakuha ang telepono ng abogadong pinoy doon. O kaya ay sa mga kilala mo na may kakilalang abogadong Pilipino.

Tandaan ninyo, karapatan ng bawat isa na naaresto ang makipag usap sa abogado. Bago kayo sumagot sa ano mang katanungan ng pulisya na sa tingin ninyo ay makasasama sa inyo, kumonsulta muna kayo sa abogado bago sumagot sa kanilang tanong. Obligasyon ng pulis na ipaalam sa inyo ang karapatan na ito. Obligasyon din ng pulis na tulungan kayong humanap ng abogado na gusto ninyo. At oras na sinabi ninyo na gusto ninyong makipag usap sa abogado, obligasyon din ng pulis na tumigil sa pagtatanong sa inyo ng mga bagay na maaring makasama sa inyong kaso.

Kung sakali naming napadaan ka sa spot check, kung saan lahat ng motorista ay pinahihinto at tinatanong kung sila ay nakainom, kailangan mong sumagot. Hindi mo pwedeng sabihin na kailangan mo munang kumonsulta  sa abogado. May karapatan ang pulis na magtanong sa ganitong situasyon.

Sana ay nasagot ko ang iyong katanungan.

Maria Eleanor T. Rodriguez

Barrister and Solicitor

Notary Public

Feel free to email your questions to metrodriguez@gmail.com. You may ask your question in either Tagalog or English and I will answer them in the same language you used. Please understand that it is not legal opinion or advice I will be providing. I will just give you information based on my understanding of what the Criminal Code of Canada, the Highway Traffic Act and existing jurisprudence may provide, on any issue that may arise out of your questions. Please remember that this column can only provide general information that may not apply to every case. If you need legal advice, please contact a lawyer.