Q. Maganda araw po Atty. gusto ko lang po sana itanong kung gaano po kalaki o kaliit ang percent na entitled sakin regarding po sa gustong pagbenta nang Nanay ko nang bahay at lupa namin, ang nasabing bahay at lupa ay nakapangalan sa aming dalawa, orihinal itong nakapangalan sa aking ama at ipinalipat sa pangalan naming dalawa nang nanay ko nung pumanaw ang aking ama, gusto ko lang po sana iklaro kung entitled lang ako sa estate ng ama ko. Sa madaling sabi e ung kalahati nang mapagbebentahan ay mapupunta sa nanay ko at ang isang hati ay paghahatian pa ulit namin or since nakalagay ang pangalan ko sa titulo namin ibig po ba sabihin nun e co-owner ako at entitled ako nang mas malaki or close to 50%?
Nawawala po ang titulo namin kaya nag request po nang panibago ang nanay ko at humungi sya sa akin nang SPA na nakasaad na pinapayagan ko sya mag request nang panibago doon ko po nakita at na confirm na sa aming dalawa nakapangalan ang bahay at lupa namin, so tanong ko na din po hindi nya po maibebenta ang bahay namin kung hindi ako papayag tama po ba? at kung pumayag man ako e hati po ba dapat kami o estate pa din nang ama ko ang para sakin?. maraming salamat po.
ANS. Nabanggit mo na ang lupang ito ay originally nakapangalan ng tatay mo at napalipat sa inyong dalawa ng iyong ina ang title nito. Kung ang lupa ay nailipat sa inyong dalawa ng inyong ina,dahil sa kamatayan ng iyong ama, ang ibig sabihin nito, ay nagkaroon na ng Extrajudicial settlement ang naiwang
Batas PINOY Global
By: ATTY. ROGELIO N. WONG “Laws relating to family rights and duties,or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon Filipino citizens, even though living abroad.” (Article 15 Civil Code of the Philippines)
2
properties /estate ng namatay at ito ay ipinamahagi na sa mga heirs kung kayat ito ay na-ilipat na pangalan ng inyong mag ina bilang mga compulsory at surviving heirs ng namatay. Kung ang nasabing lupa and na-acquired ng magulang ninyo during the time of their marriage, ang ibig sabihin ay conjugal property ito. At ang kalahati( ½ )nito ay conjugal share ng ina mo as surviving spouse. Yong natirang ½ ay estate ng tatay mo kung saan ang ½ ito ay pag-hahatian pa ninyong mag-ina in equal or pro-rata sharing ng bawat isa sa inyo kaya considered kayo as co-owners to the extent of your shares or interest/percentage ung ownership ayon sa batas.Kaya kung ibabasi natin sa batas ang total percentage ng share ng ina mo, kasama na kanyang conjugal share, mas malaki ang maging parte niya mula sa lupa kung sakali mang ipagbili ito, compare sa maging share mo sa bintahan or partition ng lupa
I-check mo sa title, kung ung ½ ng conjugal share ng ina mo ay reflected sa title at ganoon din ang percentage or fractional share/or mana mo bilang anak or mga iba mo pang kapatid, kung mayroon man. However, kung wala namang percentage or fractional share or interest ang nakalagay sa title, kundi ang owners lang ng lupa ay ang iyong ina at ikaw lang, ang ibig sabihin nito, as co-owners, 50% – 50% ang pag-mamay-ari ng bawat isa doon sa lupa. At kung ito ay ipag bili hati kayo sa pinag bilhan.
Sa tanong mo, na maari bang ibenta and co-owned property, kung walang pirma or lagda ang co-owner? Maaring ibenta ito, pero ang bintahan ng nasabing co-owner ay valid lang hanggang sa share or percentage lang ng kanyang shares of ownership doon sa lupa.
Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy” global community welcomes you in this program.