ni Edwin Esteba
Buhay
Sa ibang bansa ikaw ay nagpapakahirap
Upang matupad mo iyong mga pangarap
Pinipilit mong magsumikap
Upang pamilya makaahon sa hirap
Hindi naman kalakihan lahat ating kinikita
Iyong iba nga sinasabi ay kulang pa
Pero kung tayo ay marunong magpahalaga
Dapat alam mo kung paano gumasta
Kapag tayo ay nagbabalikbayan
Sa tingin ng iba tayo ay mayabang
Lalo na kung hindi mo sila napasalubungan
Akala nila obligasyon mo sa kanila yan
Okay naman na tayo ay magpainom
Lalo na kung meron okasyon
Pero sana hindi maubos ang iyong ipon
Wala ka nang pera hindi pa tapos ang bakasyon
Karamihan kasi atin sa ubos ubos biyaya
Sa inuman palagi sila ang taya
Pero pag pera ikaw na ay wala
Sila pa sa iyo unang mangungutya
Isipin natin ating kinabukasan
Dahil kapag wala ka nang pagkakakitaan
Isa isa sila sa atin maglalayuan
Doon naman sila sa may pakinabang