BAHAGI BA NG CONJUGAL PROPERTY ANG MINANANG LUPA? PAG PATIRA SA KABIT AT ANAK SA BAHAY

By | September 18, 2020

Q: Atty greetings po! Ang tatay ko po ay may minana na lupa sa kanyang mga magulang (pareho ng patay), pero hindi pa po nakapangalan sa kanya ang titulo ng lupa. Na-transfer lang po ang titulo ng lupa sa kanyang pangalan lamang noong sya ay may asawa na (nanay ko). Ang tanong ko po ay kung may karapatan po ba ang nanay ko sa minana na lupa ng tatay ko sa kanyang mga magulang? 

Namatay po ang nanay ko noong March 2020, after a month, lumutang na po ang tatay ko at ang kanyang kabit na itinago niya sa amin ng 14 na taon. Ngayon po ang tatay ko at ang kabit niya ay sa bahay na namin tumitira kasama pa un dalawang anak ng kabit niya. Ung bahay namin ay naipundar ng nanay ko at ang ginamit na pera rito ay ung retirement niya funds ng nanay ko. 

ANS: Hindi maituturing na conjugal property ng tatay mo at nanay mo ang namanang lupa ng tatay mo. Kaya wala conjugal share or parte rito ang iyong ina doon sa lupa. However, dahil asawa ng tatay mo ang nanay mo, pag ang tatay mo ay mamatay kasama na ang mga anak nila, kayo ay maituturing na compulsory heirs ng tatay mo. At ayon sa batas, as compulsory heirs, equal sharing ang lahat ng mga compulsory heirs na nabanggit na ari-arian. 

Dahil naunang namatay ang mother mo, entitled lang kayo at ang tatay bilang mga surviving heirs sa mga ari-ariang napundar ng nanay mo at tatay mo na conjugal property nila, kasama na rito ang bahay na napundar galing sa 

retirement ng nanay mo. Ung naiambag mo sa pagpagawa ng bahay ay subject yan for reimbursement mula sa mga compulsory heirs, egual sharing basis, pero ang pag mamay-ari na ng bahay ay considered na as conjugal property. 

As regards sa minanang lupa ng tatay mo mula sa kanyang magulang hindi ito maituturing na conjugal property nila, at ang minanang ito ay exclusive capital o property ng tatay mo. Dahil ang bahay na to napundar during their marriage, kahit na retirement money ng nanay mo ang ginamit sa pagpagawa nito, ang bahay ay maituturing na conjugal property ng tatay at nanay mo. 

Ung kalahating interest or portion ng bahay ay maituturing na conjugal share ng tatay mo, ung natirang kalahati naman ay maituturing na estate ng nanay mo, na siya namang mamanahin or maging legitime ng mga compulsory heirs ng nanay mo, tulad ng tatay mo as surviving spouse, at mga anal nila. 

Equal sharing ang bawat isang compulsory heirs. Dahil ang tatay mo ay co owner siya sa bahay at ganoon na rin kayong mga anak, na co-owners ding tagapagmana, ang bawat isa sa inyo ay may karapatan na gamitin ito or ipaggamit or ipa upa ang part nito, sa kanina man na gusto ng mga co-owners. 

Kung ang tatay mo ay pinatira ang kanyang kabit kasama na rito ang dalawang anak, to the extent of his interest or coownership sa bahay, ay maaring ipaggamit niya ang part or portion ng bahay para sa kabit at dalawang 

anak. Bilang mga co-owners, may karapatan din kayong gawin ito. 

Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari-saring katanungan at mga kaalamang legal sa Batas Pinoy LEGAL AID-PUBLIC SERVICE Channel YouTube.com ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na kaalaman sa usaping may kinalaman sa kanilang buhay. Upang makatanggap ng future updates mangyari lang na mag subscribed at i like ang mga videos ng Batas Pinoy Channel. 

Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoyglobal community welcomes you in this program. 

Disclaimer: Batas Pinoy-LEGAL AID-PUBLIC SERVICE PROGRAM-Global Community(BPGC). Not Legal opinion: 

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyerclient relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer. 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy LEGAL AID-SERVICE Global Community (BPGC) PROGRAM, are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC. 

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com 

WARNING: This communication is intended for use by the individual(s) to whom it is specifically addressed and should not be read by, or delivered to, any other person. Such communication may contain privileged or confidential information. If you have received this communication in error, please notify the sender and delete this e-mail message immediately. Thank for your cooperation. XXX XXX