Balita

Ang tatalino  Ni Edwin Esteba

Mga nagbabasa ng aking tula

Nagpapasalamat ako at humahanga

Karamihan sa inyo ay mapang unawa

Hindi nila ito iniisip sa kanila ay patama

Isang dekada na akong nagsusulat

Sabi nang iba ako ay nagpapasikat

Pero minsan ay nakakagulat

Icchat ka sila daw aking isinusulat

Ang aking imahinasyon ay mapaglaro

Sa aking pag iisa maraming tulang nabubuo

Inspirasyon ko mga dating guro

Karamihan daw sa tula ko ay may aral na itinuturo

Hindi na bago sa akin na ako ay husgahan

Karamihan sa kanila sila daw aking pinapatamaan

Maaaring iyong iba ay nagkataon lamang

Pero karamihan ay makatotohanan

Kung lahat ng nasa loobin nyo ay iisipin ko

Mga tula paano ako makakabuo

Kung sakali mang tinamaan kayo

Panahon na siguro para kayo ay magbago

Hindi naman ako isang taong perpekto

Ito lamang kasi ang naoobserbahan ko

Karamihan din sa mga isinusulat ko

Karanasan ko na ibinabahagi sa inyo

Ang tula ay isang matalinghaga

Karamihan ay binubuo ng mga salitang mahiwaga

Pinag iisipan ko bawat isinusulat na kataga

Pasensya kung sa inyo ay tumatama

Ilang libo na ba ang aking naging bashers?

Pero sa pagsusulat hindi nila ako napatigil

Karamihan sa iba kapag nabasa nanggigigil

Pagtawa ko tuloy hindi mapigil

Kaya sa mga nagbabasa na matatalino

Pasalamat ako kung kayo ay napapasaya ko

Hindi man kayo kasali sa kwento ko

Pero alam ko nakakarelate kayo

Exit mobile version