Balita

ANG SIKRETO NG TUNAY NA SONA (Ikalawang Bahagi)

Bakit si Noynoy ay parang isang bangaw lang . . .

Noong 2009 panahon pa lang ng kampanya para maging presidente itinungayaw ni Noynoy sa buong kapuluan ang pundasyon ng plataforma at palakad (policy) ng kanyang administrasyon kapag siya ang nanalo. Sundan dito sa website ng Pangulo ang kanyangang kanyang itinaga sa bato:
http://www.gov.ph/about/gov/exec/bsaiii/platform-of-government/

Marami, pero seguro tama lang, IsinaTagalog, labing-anim ang mga ito: Una (hudikatura) , isang pangulong lalaban ng husto sa korapsyon; Pangalawa, (Pananalapi at kalakal) isang ekonomiya na ang prioridad ay trabaho para sa mahihirap:

Pangatlo, edukasyon ang gagawin sentro ng programa para maging puhunan laban sa kahirapan para palakasin ang pambansang kakayahan ng bawat mamayan; Pang-apat, Kalusugan ng mamayan gamit ay pagmamalasakit sa mga magulang bilang tanda ng matinung pamunuan;

Pang-lima, katarungang hindi nabibili at nakukuha sa palakasan kundi isang sistema ng katarungan pantay para sa lahat ng mamamayan;

Pang-anim, isang pangkabuhayang palakad (economic policy) ng gobierno tungo sa pantay na pairal ng batas upang maiwasan ang dominasyon ng ng mga malakas na pribadong interes; Pampito, (rural development) kilalanin at gawing masigla ang kabuhayang pang nayon (rural economy) tungo sa seguridad sa pagkain (food security) at pantay na pagsulong ng ekonomiya sa mga siyudad at kanayonan;

Pang walo (social service, welfare and development) , Mga programang masusing pinagaralan tungo sa pagpalawak ng kapasidad at opportunidad ng mahihirap; Pang- siyam, (trade and industry) bumalangkas ng condisyones tungo sa paglago at pagsigla ng kumpetencia sa malaki at maliit man klase ng negosyo; Pang-sampu (labor), Gawing ang trabaho sa labas ng bansa isa lang sa pagpipilian (puedeng iwasan) at hindi siya lang sagot sa pangangailangan;

Pang labing-isa (Cabinet and Career Service), ang paghirang ng pangulo sa sa opisyales ng gobierno ay base lamang sa integridad, kakayahan at galing ng karanasan; Pang labing-dalawa, (capability building) gawin propesyonal at palakasin ang mga tanggapan ng pamahalaan para magampanan ang kani-kanilang misyon o serbisyong pampubliko; Pang labing-tatlo, promosyon o pagpapalaganap ng pantay na opportunidad para sa kasarian (gender equality) sa anumang programa ng gobierno; Pang labing- apat, (peace and order)pang malawakang suporta sa katahimakan, at pagwawasto ng kamalian at kapabayaan sa mga kapatirang tribo sa Mindanao;

Pang labing-lima, (urban development) IIwasan ang pagsisikip at dumi sa kapaligiran sa mga lungsod, sa halip magbubuo ng planong pagsasamahin sa isang malusog at produktibong pamumuhay ang mahirap at mga may kayang mamamayan; at

Ang panghuling pang labing- anim, (conservation of natural resources) iwasan ang maaksayang paggamit, pagaani or pagmimina ng likas na kayamanan ng bansa para pangalagaan ang kapakanan at kinabukasan ng mga darating na henerasyong Filipino.

Dapat ituring na labing-anim ang prayoridad sa plataformang ipinangako ni Noynoy bago siya nahalal na Pangulo. Mga prayoridad na siyang basihan ng mga kailangan ng mga bagong batas na papandayin sa Kongreso, basihan ng maraming programa at mga proyekto ng gobierno na lalapatan ng kaukulang badyet o panggastos. Hindi man prayoridad o dapat unahin, regular na paglalaanan din ng panggastos ang ibang sangay ng gobierno tulad ng polisya, sandatahan, paggawa, pagsasaka, suliraning panlabas, agham at teknolohiya, at iba pa.

Tungkol dito sa pryoridad ng Pangulo, sangkatutak na paraan at solusyon galing sa mga kolumnista, mga politico at mga taong ang hanap buhay ay sa media nanggagaling ang lalabas at ibabandila para kumita. Pero, marahil marami ang magiging daplis dahil hindi alam o tukoy ang malalim at detalyeng proceso ng sistema ng pambansang badyet (Annual Budget or General Appropriations Act).

Taon-taon siyento-porsiyento (100%) ng SANA (content) ng SONA (State of the Nation Address) ay DAPAT napapaloob sa Anwal Badyet ng Filipinas na taon-taon ay pinapanday, binubuo at ine-rerekomenda ng Kongreso para aprobahan ng Pangulo para isa-katuparang ng Kabinete at lahat ng opisinang pampubliko. Isang bakal na probisyon ng Anwal Badyet: PAG GINASTOS, Kahit isang pera lang, pag hindi nakalista o napapaloob sa Anwal Badyet ay LABAG SA BATAS. Puedeng kasuhan at makulong ang sinumang lumabag sa anumang probisyon ng Anwal Budget.

Ang proceso ng pagbubuo ng badyet ay masalimout, teknikal at punong-puno ng politika at kompormiso. Mula sa Pangulo at kanyang kabinete at lahat nasasakupang mababang opisina tulad halimbawa ng edukasyon, kalusugan o transportasyon TEKNICAL ang preperasyon.

Ngunit , PERO pagdating sa KONGRESO, talamak politika na ang iiral. Kung ilan ang miyembro ng Kongreso siyang rin dami ng pansariling kapakanan (self interest) ang mangingibabaw sa proceso. Ang gamot laban diyan na hindi naman tumatalab ay yong PORK BARREL o pinabangong “Development Fund”.

Dahil sa pork barrel ang mga miyembro ng Kongreso taon-taon TALO pa ang mga nanalo sa Lotto. Halimbawa nitong 2012 BAWAT Senador meron dalawang daan at tatlumpung milyon peso (Peso230 million) samantala BAWAT Kongresista merong sitentay-singko milyones (Peso75 million) naman nakalaan. Dahil dito kung buhay ngayon si Pontio Pilato, di nakapagtatakang siya’y kumandidato para sa Senado.

Para sa taong 2012 tinalakay, inerekomenda ng Kongreso, aprobado, nilagdaan naman ng Pangulong Aquino noong Disyembre 15, 2011 ang Anwal Badyet na nagkakahalaga ng ISANG MILYON MILYONES AT WALONG DAAN AT LABING ANIM NA LIBONG MILYONES (Peso 1,816.000,000,000). Kalahati niyan at kalahati noong badyet for 2011 ang dapat panagutan ng SONA ni Pangulong Aquino sa Julio 2012.

Ang gobierno ay isang dambuhalang mekanismo na kung buhay ay isang uri ng bakulaw na kung saan si Presidente Noynoy ay isa lang bangaw na siyang ulo, sinusuportahan, pinagagalaw pasulong o paatras o kaya’y pinapatid ng ng mahigit na isang milyon langaw. Ang huling tala meron isang milyon at anim na daan libo (1.6 million) ang bumobuo ng swelduhang tauhan ng gobierno na dapat maglingkod sa isang daan at isang milyon Filipino (101,833,938 July 2011 est.).

Nakakatoreteng isipin ang laki ng gastos ng gobierno upang tugunan ang pangangailangan ng nakakasakit ng ulong dami ng Filipino.

YAN ANG SANA NG SONA NI NOYNOY.

Exit mobile version