ANG SAN ISIDRO CATHEDRAL

By | April 16, 2010

 ANG San Isidro Cathedral, sinasabi sa tansong plake sa harapan nito, ay itinayo ng mga Kastila. noong 1894 o dalawang taon bago binaril sa Bagumbayan ang dakilang bayani, si Dr. Jose Rizal. Umano, ang katedral na ito ay itinayo sapagkat sa alin mang lugar na nilagian o lalagian ng mga Kastila ay kailangan ang simbahan o katedral upang patuloy na palaganapin ang relihiyong Katoliko.

Umano rin, ay nararamdaman na ng mga Kastila, lalong lalo na ang mga prayle, na maaring magkaroon ng gulo o rebolusyon. Kung sakaling sumiklab ang rebolusyon at nararamdaman nila na nagwawagi ang mga Katipunero ay kailangan nila ang lugar na aatrasan. Ipinasiya nila na sa Isla de Oriente sila aatras at dito ay naghihintay sa kanila ang isang lugar na angkop sa kanilang misyon o panloloko.

Pinili din nila ang lugar na ito sapagkat mayroon silang malalaking mga bangka na maari gamitin sa kanilang pagtakas. Alam din nilang sa pagitan ng Isla de Oriente at Bagumbayan ang mga pating ay sagana at hindi mangangahas ang mga Katipunero na habulin sila sa paggamit ng kanilang maliliit na mga bangka. Ang pagtatangka ay nangangahulugan ng kanilang kamatayan, kung hindi sa pagkalunod sa maalong dagat ay ang pagiging pagkain ng mga malalaki at nagugutom na mga pating.

Iniisip rin ng mga sundalo at mga prayle, na nang dahil sa kanilang mga kasamaang ginawa, ang pagiging bihag ng mga Katipunero ay nangangahulugan ng kanilang pagkabilanggo o kamatayan, kaya kinakailangan, kahit na pansamantala lamang, ang magkaroon sila ng ligtas na tirahan.

Alam nilang ligtas sila sa Isla de Oriente. Wala ang mga makabagong gamit sa paglalakbay sa dagat ang mga Katipunero upang sila ay sundan. Kasama pa rito ang dahilang ang mga tao sa Isla de Oriente ay hindi Muslim – na alam ng mga Kastila na ang lahing ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanilang bayaning si Ferdinand Magellan.

KAHANGA-HANGA ang katedral na ito. Pinag-ukulan ng mga Kastila ng maraming panahon at salapi ang San Isidro Cathedral. Masasabing maari itong ihambing sa malalaki at matataas at makasaysayang mga katedral sa buong daigdig lalong lalo na sa Europa gaya ng mga naroon sa Italy o Spain.

Gothic architecture ang design nito. Sa harap ng katedral, sa bahagi ng bubong ay dalawang matutulis at matataas na spires, na bahagi ng north and south towers, ang naghuhumindig na nakatayo. Sa loob ay nakatayo ang mga column na gawa sa marble at sa pagitan ng mga column ay ang mga pointed arc. Matingkad at iba-iba ang mga kulay ng bubong at mga dinding. Antigong kahoy ang mga bangko. Sa altar ay nababalutan  mga palamunting ginto, pilak, ruby at diamante ang mga damit at tiarra ang mga imahen ng mga Santo gayundin ang imahen ng Panginoong Hesukristo at Virgin Mary.

Ngunit nakakubli sa isang architectural masterpiece ang isang imbing hangarin ng mga prayle. Gagamitin nila ang simbahang ito upang lasunin ang isipan ng mga taga San Isidro, upang ang mga ito ay maging sunod-sunuran sa kanila upang kanilang makuha ang mga yaman sa mga bundok at mga parang at mga bukid.

Dito, ayon sa balita ng mga nakakaunawa ng kasaysayan ng San Isidro nagsimula ang sobrang pagiging sobrang relihiyoso ng mga tao rito, na hangga ngayon ay marami pa rin ang mga bulag na tagasunod. Umano, sa panahong iyon, ang pakiramdam ng mga ninuno ng mga taga San Isidro, kapag napunta ka na sa loob ng katedral na ito ay para ka na ring napunta sa langit. Kung paano nila nasabi ito ay isang katanungang walang makasasagot sapagkat wala pa namang sapat na katunayan kung may langit nga.

NGUNIT naaaninag na ang mga darating na pagbabago. Sa kasalukuyan, marami sa mga bata at nasa gitnang gulang na mga pare at ministro ay iba na ang paniniwala. Nagising na sila sa katotohan, namulat na ang kanilang mga mata at hindi na sila tila kawan ng mga tupa na sunod-sunuran lamang. Alam nila na upang maging tunay na kristiyano ay kailangan hindi lamang dasal kundi kailangan din ang gawa.

Maaring sabihin na isang kahangalan, ngunit marami sa kabilang sa pangkat na ito ang naniniwala na tama si Rizal sa paglaban sa mga prayle, na si Rizal ang tunay na kristiyano at hindi ang mga masasamang mga prayle. Alam din nila ang nagaganap sa buong daigdig – na ang dating makapangyarihang relihiyon ay hindi na katulad ng dati.

SA kasalukuyan, ang parish priest sa San Isidro ay si Padre Nicolas. Makabayan si Padre Nicolas. Alam niyang kung may kahinaan ang mga Pilipino, iyon ay ang pagiging masunurin sa mga namumuno sa relihiyon. Ginagamit niya ang simbahan sa kanyang mga sermon upang ipaliwanag o ipahiwatig ang mga nagaganap sa San Isidro.

“Hindi totoo,’ sabi ni Padre Nicolas sa isa niyang pagsesermon, “Na ang api sa lupa ay magmamana ng kaligayahan sa langit. Ayaw ng Diyos na kahit na sinuman sa lupa ay magdanas ng mga pasakit at mga kahirapan. Gusto ng Diyos na ang lahat ng kanyang mga anak ay maging maligaya kaya ginawa at ibinigay niya ang lahat ng mga kayamanan sa lupa.

Hindi deretsahang sinasabi ni Padre Nicolas ngunit kanyang ipinahihiwatig na ang naghahari sa mga puno sa San Isidro ay kasamaan. Ang mahalaga lamang sa kanila ay ang manatili sa katungkulan upang mapangalagaan ang kanilang mga kayamanan.

NABANGGIT ni Romeo kina Francis at Junichi ang magandang balita – kung anong uri ng pare si Padre Nicolas.

Natuwa sina Francis at Junichi.

“Thank God. The Lord heard my prayer,” pabirong sabi ni Francis

“Me too,” sagot ni Junichi. Iniba ni Junichi ang paksa. “You know, we both enjoy history and we are both aware of what’s happening in the world. I have a suggestion.”

“What?”

“This island, if developed properly will be an ideal place for tourism.”

“Why did you say that?”

“Look at the topography; the mountains, the rivers, the lakes, the weather and the warm people. These are what will it takes for this place to again become a paradise, as I am sure it was once was.”

“But this is not the situation now. You see the neglect, the mismanagement and the bad habit of many of the people.”

“All these things happened because of the lack of proper education of the people.”

“And the lack of education is the result of lack of proper leaders.”

“Correct.”

“What shall we do?”

“We need new leaders – leaders who are sincere, tough, honest and real nationalist.”

“Where shall we get those leaders?”

“From within. I am pretty sure some will emerge as leaders.”

“I know of one,” sumabad si Romeo.

“Who?” tanong ni Junichi.

“The priest, Father Nicholas. He is no ordinary priest. He teaches not only religion but also livelihood.”

“What does the governor and the mayor think about him?” tanong ni Francis.

“The hated him.”

“Of course, they will hate him but what do you think they will do?”

“Lots of things.”

“Like what?”

“The governor and the mayor have lots of connections, they will use those.”

“To do what?”

“They can have him removed or re assigned. Or they can…”

“They can what?”

“They can have him killed.”

“They will do that?”

“Everything is possible here.”

“He seems to be a radical priest, a true Christian by action and not just by prayers and words. I would like to meet him,” hiling ni Francis.

Sa pamamagitan ni Romeo ay nagkakilala sina Francis, Junichi at Padre Nicolas. Iyo’y isang pagkikita at maikling pagpupulong sa kuwarto sa likod ng altar pagkatapos ng umagang misa nang sumunod na Linggo.

 I am honoured to meet you Father,” magalang na bati ni Junichi.

“I am honoured to meet you, too,” magalang ding sagot ni Padre Nicholas.

“The world needs more priests like you as others seem to be slipping away from their duty.”

“I know, but let’s not talk about others; let’s talk about the task on hand, that of this island. So, what do you think we shall do?”

“I have an idea,” sabad ni Francis.

“What?” sagot ni Padre Nicholas.

“We should adopt the Grameen Bank approach that is being used in Bangladesh – that of micro lending.”

“Where shall we get the capital?”

Sumagot si Junichi, “Leave that to me. Our corporation is fast expanding in many parts of the world and one of our policy is humanitarian in nature – that is helping the developing nation like the Philippines. But you know what the problem is…”

“What’s the problem?”

“Finding the right people who will implement the project, people you could trus,t if you know what I mean.”

“In this island, forget about the politicians who are in power as none of them you can trust. They are the cause of all these problems.”

“If there are no politicians we could trust, who shall we trust?”

“I have an idea.”

“Who?”

“You.” Itinuro ni Junichi si Padre Nicolas.

“Me?” tila pagulat na sabi ni Padre Nicholas. “I know nothing about finance and economics.”

“You will learn. But the most important thing is honesty and we know you have that.”

SA tingin ng mga punong pulitiko sa Isla de Oriente at San Isidro, na siyang katotohanan, si Padre Nicolals ay radikal na pare¸ na ang pagiging sugo Diyos ay ginagawa niyang paraan upang baguhin ang mga paniniwala ng mga taga San Isidro at upang mamulat ang mga mata ng mga ito – mga pagbabagong hindi papayagang mangyari nina Governor at Mayor.