Balita

ANG PAARALAN SA SAN ISIDRO

 Iyo’y isang paaralang masasabing pangkaraniwang makikita sa San Isidro, na masasabi ring pangkaraniwan sa buong Isla de Oriente: mga silid aralan na kailangan ang kumpuni; mga bilang ng mga mag-aaral na sobra sa dami sa isang klase; mga batang gustong matamo ang karunungan ngunit dahil sa kakulangan nang tamang gamit, ang karunungang dapat makamtan ay hindi nakakamtan; mga gurong masisipag ngunit dahil sa dami ng trabaho at sa liit ng suweldo ay suko na; mga punong gurong walang magawa kahit na gusto nilang baguhin ang maraming mga bagay sapagkat sila ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga pulitiko.

Patuloy sila sa kanilang paglalakad. Maliit ang kanilang mga hakbang. Mabagal ang kanilang mga lakad, na para bang ayon sa mga kasabihan ay namamasayal sila sa liwanag ng buwan.

Pagkuwa’y napadaan sila sa mababang paaralan sa baryong sinilangan ni Francis sa San Isidro. Ito ang kauna-unahang paaralang tumanggap ng kanyang kawanggawa. May balak si Francis na kapag nakapagpatayo na siya ng silid aralan sa lahat ng labingtatlong mababang paaralan sa San Isidro ay iuukol niya ang kanyang makakayanan sa paaralang ito. Gusto niyang magpatayo ng basketball court, volleyball court at baseball/softball diamond sa likod ng paaralan – mga palaruang kailangan upang ito ay maging isang matagumpay na paaralan. Naniniwala siya na kailangan ng isang malusog na isipan ang isang malusog na katawan.

Maliit ang paaralang ito, na sa dami ng mga bata ay hindi sapat ang laki upang ang mga bata ay mabigyan nang tamang karunungan. Sa paglaki ng bilang ng mga mag-aaral, na mga apatnapu hanggang limampu ang bawat klase, ang trabaho ng mga guro ay dumami at humirap at ang pamantayan ng pagtuturo ay bumaba.

Pumasok sila sa pinto ng compound ng paaralan at sila ay humanga na sa kabila ng kakulangan ng mga makabagong gamit ng pag-aalaga ng mga damo at mga halaman, ang harapan at gilid ng paaralan ay isang kahanga-hangang tanawin.

Sa gilid nang makitid ngunit sementadong daanan patungo sa main building (na kinalalagyan ng tanggapan ng punong guro) ay tuwid na tuwid na nakahanay ang iba’t ibang namumulaklak na mga di masyadong lumalaking mga halaman.

Halatang ito ay pinagpala ng mga mapagpalang mga kamay. Buhaghag ang tila kabubungkal na lupa sa paligid ng mga halaman at wala ni anumang damo. Halata ring ito ay ginamitan ng mga natural na pataba gaya ng dumi ng mga kalabaw at mga baka dahil sa itim ng lupa. Sa San Isidro, ang patabang ito ay sagana.

Deretso silang nagpunta sa tanggapan ng punong guro na noon ay abalang nakikipag-usap sa ilang mga guro. Pagkuwa’y nasulyapan sila ng isa sa mga guro at iyo’y binanggit niya sa punong guro.

“Ha? Nasaan?” tanong ng punongguro.

Itinuro sila ng gurong nakapansin sa kanila.

Humingi ang punongguro ng paumanhin sa mga gurong kausap niya upang sila ay lapitan at kausapin.

“Good morning, Sir,” bati ng punongguro kina Francis.

Natunganga si Francis. Kailan pa siya naging Sir. Naisip niya na ang Sir ay nanganagahulugan ng paggalang. Naisip din niya na ang paggalang ay hindi basta-basta ibinibigay sa isang tao, kung hindi ito ay inaani sa iba-t ibang pamamaraan. Ang sa kanya ay ang pagtatayo ng mga silid aralan.

Halos hindi magkandatuto ang punong guro sa pag-aasikaso sa kanila, “Halikayo. Pasok kayo sa aming upisina kahit ba ito ay ganito lamang.”

Nangiti si Francis. Taglay pa rin nang maraming mga Pilipino ang pagkakaroon nang mababang loob, na hindi siya sigurado kung sa panahon ngayon ay mabuti o masama. Sa mapagsamantalang kapaligiran na ang mga puno at mga ay tila mga buwitri, ito ay nangangahulugan ng pagsasamantala sa mga kimi at mababait. Sa kapaligirang  ang mga namumuno ay patas ang pagtingin, ang pagkakaroon ng mga manggagawang mababait at mababang loob ay nangangahulugan ng kapayapaan at isang matagumpay na pangangalakal. Ang tao, ano man ang lahi, kulay at relihiyon ang paggalang ay nangangahulugan nang katumbas na paggalang.

“Hindi na siguro, marami pa kaming pupuntahan,” kunwari ay tanggi ni Francis.

“Sir, please don’t disappoint us. With what you have done to our school, we have to showyou our gratitude,” sabi ng punongguro sa wikang English upang maintindihan ni Junichi ang kanilang sinasabi.

“I did what a good citizen should do in order to make our school a better institution of learning and our community a better place to live,” sagot ni Francis.

“We truly appreciate your concern and your generosity to our school and our community. God bless you.”

“Thank you very much. My only concern is I can only do so much.”

“What you have done is more than we expect of you. Come on inside and let’s talk more about our school.”

Walang nagawa sina Francis kung hindi pumasok sa tanggapan ng mga guro at punong guro.

Kumustahan sila sa buhay-buhay. Patuloy na dumadami ang mahirap sa San Isidro dahil sa napakabilis na pagdami ng tao ngunit wala namang nadadagdag na trabaho. Karamihan sa mga tao ay hindi pa nagigising sa katotohanan, na ang mga tao, lalong lalo na ang mga bata at kabataan ay kinakailangang magkaroon ng sapat na magandang karunungan upang ang kanilang paniniwala ay mabago at ang pagbabago ay kinakailangang magmula sa paaralan.

Pagkuwa’y humingi ng paumanhin ang guro upang kausapin ang isang guro.

Mga isang oras na silang nag-uusap. Napansin iyon ni Francis at siya ay tumayo upang magpaalam.

“We have to go,” paalam ni Francis.

“Please join us in our lunch,” anyaya ng punongguro

“Thank you very much but we have to go,” pakunwari uling sabi ni Francis kahit na ang totoo ay gusto niyang sumalo sa kanilang pananghalian at upang makita at makausap ang iba pang mga guro. Nasisigurado din niya na maghahanda ang mga ito ng mga pagkaing nanggaling sa nakapaligid na karagatan, na siya niyang paborito.

“Please join us. Our home economics teachers have prepared the food already.”

Iyo’y isang pananghaliang matagal nang pinangarap ni Francis at siya ring paborito ni Junichi – mga pagkaing bunga nang nakapaligid na karagatan. Walo silang nakaupo sa isang pabilog na mesa.

Bilang pasimula ay binuksan ni Francis ang isang umuusok pang alimango at sa kanyang harapan ay nalantad ang isang puno nang pulang aliging alimango.

“Wow!” hindi napigilan ay sabi ni Francis.

That’s bad for you. That’s full of cholesterol,” tila nanunuksong sabi ni Junichi.

“Who cares?”

“I thought you are on diet.”

“The diet starts when we go back to Canada.”

Natawa silang lahat.

Pagkuwa’y dumating ang mga hipong malalaki o sugpo na katulad ng mga alimango ay umuusok pa.

“Another one,” sabi ni Francis.

“That’s bad for you too,” sagot ni Junichi.

“Who cares?”

“I love Pilipino food,” sabi ni Junichi.

At silang lahat ay natawa.

Pagkuwa’y tumayo si Francis, “I’d like to wash my hands. Where could I wash them. I’d like to eat with my hands,” sabi ni Francis.

“Me too,” sagot ni Junichi.

At silang lahat ay muling natawa.

Kumakain na silang lahat, halos ay nagpapapak ng mga malalaki at matatabang mga alimango at mga sugpo.

Hindi katagalan ay dumating ay isang may habang mga isang talampakang bagong kaiihaw na lapu-lapu.

Nakatunganga si Francis. Hindi siya makapaniwala sa pag-iistimang ginagawa sa kanila. Sa kabutihang kanyang ginawa at ginagawa ay tila haring pag-aasikaso ang isa sa mga gantimpala.

“Another one,” sabi ni Francis.

“That’s bad for you,” biro ni Junichi.

“Not really. See it’s broiled rather than fried. There’s not too much cholesterol on it,” sagot ni Francis.

“Who cares?” sagot ni Junichi.

At silang lahat ay muling natawa.

Tapos na silang mananghalian. Sa pakiwari ni Francis ay bumigat siya ng dalawang kilo.

Hinipo ni Junichi ang kanyang tiyan. “Now, I have to change my pants,” pabirong sabi ni Junichi.

Natawa silang lahat.

Tapos na silang mananghalian. Tila inaantok si Francis dala marahil nang sobrang kabusugan. Nagpaalam si Francis, “We really have to go now,” seryosong sabi ni Francis.

“We hope everybody has a good lunch,” sabi ng punongguro.

“It was not good; it was excellent. Can we do it again for the rest of our holidays,” pabirong sabi ni Junichi.

At silang lahat ay muling natawa.

Nagkamay sila at nagdampian ng mga halik sa pisngi, nangako ang bawat isa na sila ay muling magkikita upang pag-usapan ang mga dapat gawin sa San Isidro Elementary School upang ito ay maging isang modelong paaralan.

Exit mobile version