Iyo’y humigit kumulang ay apat na oras na paglalakbay sa bahaging iyon ng China Sea bago nila narating ang Isla de Oriente.
Umangkla ang ferry. Bumunghalit sa microphone and boses ng kapitan at sinasabi na maari nang bumaba ang mga pasahero. Bumaba ang rampa sa harapan ng ferry at iyo’y sinapo nang konkretong pier. Dahan dahang umusad ang mga sasakyan palabas sa ferry. Mabagal at maingat na sumunod ang kanilang minivan sa pila ng mga palabas na mga sasakyan.
Huminto sila sa gate ng pier at muli, ipinakita ni Romeo ang kanilang mga papeles. Inabot iyon ng bantay at siniyasat. Tumango tango ang bantay.
“OK Sir, Merry Christmas,” mahinang sabi ng bantay mandi’y ayaw iparinig sa ibang mga pasahero ang sinabi.
Naunawaan iyon ni Romeo. Inabutan niya ng P100.00 ang bantay.
Nakita iyon ni Junichi. “What’s that for?” naitanong ni Junichi ng sila ay naglalakbay na.
“Christmas gift,” sagot ni Romeo.
“But it’s not Christmas.”
“I know, but sometimes we have to do this to avoid any hassle” sagot ni Romeo.
“But that is bribery.”
“I know, but sometimes we have to play their game.”
“I see,” sabi ni Junichi.
Pagkuwa’y kumaliwa ang kanilang minivan sa isang makipot na kalsada at ang tanawin, sa pakiwari ni Junichi ay gumaganda: Luntian ang mga bukirin na sinaka sa makalumang mga pamamaraan. Sumasayaw sa hangin ang sumasapaw na mga palay. Maraming lumilipad na mga ibon, mandi’y naghahanap nang madadagit na pagkaing uod at maliliit na mga isda. Malilim ang kalsada sa yabong nang malalagong mga dahon nang malalaking mga puno.
Sa biglang tingin, ito ay sagisag ng kasaganaan maliban sa nakatago sa nakalantad na ganda ng mga bukirin at mga tanawin ay ang isang masakit na katotohanan – na ang bukid na tinataniman nang malusog na mga palay ay hindi ari ng mga magsasaka kundi sila ay magsasaka lamang – magsasaka sa lumang kahulugan nito. Sa panahong kung tutuusin ay dapat ay wala na sana ang ganitong uri ng pag-aari ng lupa, ang ganitong pamamaraan ay naghahari pa rin sa Isla de Oriente sapagkat ang nagpapalakad pa rin ng islang ito ay ang mayayamang mga may-ari ng lupa, na siya ring naghahawak ng mga matataas na katungkulan. Sila ay sina Governor Isidoro San Miguel Sr.. na punong lalawigan ng Isla de Oriente at Mayor Isidoro San Migue Jr. na mayor ng San isidro, ang baying kabisera ng Isla de Oriente.
Pagkuwa’y nalampasan na nila ang mga palayan at sinapit nila ang kalsada sa gilid ng bundok. Kangi-kangina lamang ay nakangiti si Junichi sa ganda ng mga palayan at mga bukirin ngunit ngayon ay sumimangot siya sa kanyang nasaksihan.
Sa gawing kaliwa, sa libis ng bundok ay makikita ang mga naipong bunton nang umuhong mga lupa na bunga nang halos ay katatapos na isang linggong pag-ulan.
Makikita rin sa hilis ng bundok ang tila tinabtab na mapulang lupa na dapat sana, kung hindi pinutol ang malalaking mga kahoy na may marami, mahahaba at gumagapang na mga ugat na humahawak sa mga lupa, ang bagong katatapos na pag-uho ng lupa ay hindi naganap.
Ngunit ito ay naganap na. Naisip ni Junichi na hindi pa huli ang lahat. Sa tamang kaalaman ng mga tao, ang ganitong mga pangyayari ay maaring maiwasan sa hinaharap. May pumasok sa kanyang isipan kung papaano ito maiiwasan sa hinaharap.
Napansin ni Junichi na ang itaas ng mga bundok ay hindi naman kalbong-kalbo pa. Sa pulo-pulong mga lugar ay mayroon pa ring mga bata, di kalakihang mga puno.
Pagkuway nadaanan nila ang isang pangkat ng mga lalake na pasan ang mga palakol at sa kanilang mga baywang ay nakasabit ang mga mahahaba, matatalim na mga gulok at mga itak. Nakahanay silang naglalakad tulad ng isang squad ng mga sundalo na nagpapatrulya sa teritoryo ng New People’s Army.
Patungo sila sa lugar na ang mga malalaking mga puno ay bagong kabubuwal at sa lugar na pinagputulan ay darating sila na dala ang mga palakol at mga itak at ibubuwal nila ang mga maliliit, kasalukuyang lumalaking mga puno, hahawanin ang paligid, bubungkalin ang lupa at doo’y itatanim ang mga kamote, kamoteng kahoy at iba pang gumagapang sa lupang mga halaman. Ang iba sa kanila ay alam na hindi maganda ang kanilang ginagawa at ang iba naman ay hindi ngunit wala silang pagpipilian sapagkat sila, katulad din ng iba ay kailangang gumawa ng paraan upang mabuhay. Sila, katulad din ng iba ay may mga anak na naghihintay nang kaunting biyaya. Sila ang mga magkakaingin.
“Who are they?” asked Junichi.
“They are the Kaingineros. After the loggers had cut the trees, they clear the area so that they can plant root crops into it.”
“How about replanting?”
“They say it’s the government job since they are the one who allowed the big treesto be cut in the first place.”
“That’s a bad attitude.”
“They know that but their concern is survival.”
Naglakbay pa sila ng mga labindalawang minuto nang mapansin ni Junichi ang tila nasusunog na isang maliit na bahagi ng bundok.
Pagkuwa’y nakita nila ang tatlong lalake na pababa sa bundok, pasan ang isang mahaba, payat na kawayan na sa dulo ay nakasabit ang dalawang tila basket na puno ng umaapaw na mga uling. Sagsag sila sa kanilang paglalakad dahil pabulusok ang kanilang dinadaanan. Paminsan-minsan ay pinagpapalit-palit nila ang balikat na ginagamit sa pagpapasan ng kanilang mga dala, mandi’y kung masakit na ang kaliwa ay ililipat nila iyon sa kanan.
Sila ang mga mag-uuling. Ang mga natirang pinagputulan na may taas na isa, dalawa hanggang tatlong talampakan magmula sa lupa, sa kanila ay isang malaking biyaya. Susunugin nila ito at ang labi ng apoy ay matigas na uling. Ilalagay nila iyon sa mga tikles at ibibitin sa pingga na gawa sa matigas, tuwid na tinilad na kawayan. Papasanin nila ang pingga na balans’yado ang dalawang tikles ng uling. Sa umpisa ay masakit ang kanilang mga balikat sa pagpasan ng pingga ngunit sa pauli-ulit na pagpasan nito ay tila manhid na sa sakit ang kanilang mga balikat, tila wala ng pakiramdam.
Pasan ang mga uling ay sagsag silang patutungo sa kaisa-isang palengke sa San Isidro at doon ay pupuwesto sila sa isang bawal na puwesto at buong tiyagang maghihintay ng mga parukyano. Sila, katulad din ng mga kainginero ay kailangang mabuhay.
“What’s that?” tanong ni Junichi sabay turo sa usok na tumataas patungo sa langit.
“Fire, of course,” sagot ni Francis.
“I know, but why is the mountain on fire.”
“That small fire is caused by the “mag-uuling” or the people who produced charcoal by burning the remaining trunks of the big, hardwood tree that were cut. The people we just saw just came from that area.”
“And the government is allowing that.”
“What can they do. These people need to survive.”
“Boy, Oh boy, we have a problem here.”
Sa pakiwari ni Junichi, kung mapangangalagaan lamang ang islang ito, kung mauunawaan lamang ng mga tao, na ang kanilang ginagawa ay hindi maganda at nakasasama sa kalikasan, sa mga taong ang kaligayahan ay simpleng pamumuhay lamang, ang Isla de Oriente ay isang paraiso
“Your place is so beautiful, so quiet, so peaceful,” puri ni Junichi. “If only it could be preserved.
“I know.”
“How come all these things are happening?”
“Politics and greed, always politics and greed.”
“How come there are so many poor people?”
“They were never given the opportunity to get out of poverty.”
“How come?”
“There is not enough job for everbody and people doesn’t have the proper education as there are not enough schools for everybody to attend to. And to those who are lucky enough, the quality of education is not that high.”
“How come?”
“That’s how they control people here, keep them in the dark.”
“I thought those kind of things are things of the past.”
“Not really. Those things are still happening.”
“I need to know more about your beautiful country and her warm, beautiful and hospitable people.Do we have time”
“Why?”
“Give me a short history of this beautiful island.”
“We probably have ten minutes.”
“OK, give me its short history especially the cutting of the trees.
Bumuntunghininga si Francis bago nagsalita, “What you see now is probably 25% of the original rainforest. According to my grandfather; they, the loggers, both legal and illegal started cutting the trees in the late 50’s and the early 60’s. Before the trees were so huge that it would take two or sometimes three people to embrace the trunk of the trees.
And of course, if there are rainforests, there will always be a lot of wildlife. According to my grandfather, there were plenty of wild boar, deer, all kinds of birds and monkey eating eagles on those rainforest; now, there is hardly any left.”
“We are almost at my place. “You will learn more as we go along, as you get to know more about this island and her people.”