Ang butihing banyaga

By | January 15, 2010

SA isang pabrikang ari ng Hapon sa Ontario, Canada na gumagawa ng mga electronic product ay nagkasama sa trabaho sina Francis at Junichi. Kapuwa sila inhinyero sa isang pagawaang ang lahi o kulay ay hindi sagabal sa trabaho at ang batayan lamang nang pagtaas sa katungkulan ay ang angking kakayahan. Engineering Manager si Junichi at Chief Engineer si Francis.

At sapagkat si Junichi ay nasa upper management at si Francis ay nasa middle management ay madalas na sila ay nag-uusap, na naging dahilan ng kanilang pagkakahulihan ng loob na humantong sa kanilang pagiging malapit na magkaibigan.

Nasa kalagitnaan sila ng buhay. Kapuwa sila nasa mid thirtees. Kapuwa sila binata pa, na marahil sa pagkakalulong sa trabaho o sa pagiging career person ay nakalimutan na yata nila na maliban sa trabaho at may ibang bahagi pa ang buhay.

Kapuwa rin sila mahilig sa kasaysayan. Kapuwa nila sinusundan ang mga nangyayari sa daigdig sa kasalukuyan: ang pagiging isa nito; ang madalas na pagkakaroon nang iba’t ibang mga kalamidad na ayon sa mga mapagkakatiwalaang mga katibayan ay bunga ng global warming; ang pagbagsak ng ibang mga bansa at ang pagsulong ng iba na madalas ang kanilang paksa ay ang Pilipinas dahil nakita ni Junichi na di pa katagalan ay ang dagsang pagdating ng mga babaeng Pilipina sa Hapon upang maging entertainer. Alam din niya na marami sa mga iyon ay napipilitan lamang ng dahil sa hirap ng buhay at sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

Isang araw na si Francis ay nasa upisina ni Junichi upang humingi ng bakasyon sa kanyang balak na pagbabalikbayan ay may iminungkahi si Junichi, “I would like to go with you.”

“You’re kidding?”

“I am serious.”

“Why?”

“There are many Filipinas in Japan and most of them are beautiful and many are educated and a few are doing some jobs that are not too honorable. I’d like to know what drive them there.”

“Poverty, of course.”

“I know, but how bad?”

“Pretty bad.”

“Why?”

“You’ll see when we go there if you are really serious going in with me.”

“I am serious.”

IYO’Y isang paglalakbay na ang unang yugto, sakay ng Airbus 320 na ari ng Air Canada, ay nagmula sa Toronto at nagwakas sa Vancouver BC.

Ang ikalawang yugto ay magmumula, sakay ng Boeing 747-400 na ari ng Philippines Airlines, sa Vancouver BC at magwawakas sa Ninoy Aquino International Airport sa Manila.

Nasa passenger lounge sila ng Vancouver International Airport, magkaratig na nakaupo at naghihintay ng kanilang flight nang dumaan sa kanilang harapan ang crew ng nasabing eroplano.

Pagkuwa’y paanas, tila nagbibirong sinabi si Junichi kay Francis, “They are so beautiful. Are all Filipinas like that?”

“Mostly. But you will see more beautiful Filipino women when we arrived home.”tila pabiro ring sagot ni Francis.

“Really?”

“Of course.”

At sila ay kapuwa natawa.

“If that is true, I would like to marry a Filipina woman,” tila nagbibiro pa ring pagpapatuloy ni Junichi.”

“They wouldn’t like you there.”

“Why?”

“They don’t like Japanese men.”

“Really? Why?”

“Our grandparents told us that the Japanese soldiers were very cruel during the last world war, especially during the death march.”

“A, my grandparents told me that the Filipino soldiers are very brave during the war. Many of them would rather die than surrender and be thrown to the concentration camps.”

“I think what happened then between two countries and two people was part of a war between two nations,” sabi ni Francis upang matapos ang kanilang walang patutunguhang pag-uusap.

Pagkuwa’y nakita ni Junichi na lumalakad na ang pila ng mga pasahero.

“Let’s go. They are already checking in.”

Tumayo sila at pumila. Sa harap ng daanan patungo sa naghihintay na eroplano ay ipinakita nila ang kanilang boarding pass at passport. Lumakad sila patungo sa forward entry door nang dambuhalang eroplano.

Sa harap ng pinto aybinati sila nang matamis, magandang ngiti ng stewardess.

“M A G A N D A   U M A G A,” pautal na bati ni Junichi sa stewardess.

Lalong nangiti ang stewardess. “This aisle,” sabay turo ng stewardess sa pagitan ng dalawang pasilyo sa kanyang kaliwa.”And to your left please.”

IYO’Y isang magiging tuwirang paglalakbay na tatagal ng mga humigit-kumulang ay labindalawang oras.

Nakababagot ang isang napakahabang paglalakbay. Kani-kanyang paraan ng pagpapalipas ng oras ang mga pasahero: May nanonood ng sine sa isang maliit na monitor sa likod ng bawat upuan. Ang mga mayroong laptop ay abala sa paggamit nito upang ang mga trabahong kailangan ang computer ay gawin at tapusin. Marami ang nagbabasa ng mga aklat at mga pahayagan at mga magasin. Ang mga bata o ilang di pa katandaan ay abala sa paglalaro ng mga computer games. Marami ang natutulog o nagpipikit ng mga mata upang gamitin ang pinakamainam at pinakamabisang paraan sa pagpapalipas ng oras habang naglalakbay.

Binabasa ni Junichi ang aklat na ipinahiram sa kanya ni Francis, ang aklat ng kasaysayan ng ating dakilang bayani, na si Dr. Jose Rizal, ang “The First Filipino” na isinulat ni Leon Ma Guerrero.

Abala naman si Francis sa pagguhit at paggaya sa isang larawan sa pamamagitan ng carbon pencil na isang naglaho ng pag-aayos ng babaeng Pilipina – isang magandang babaeng Pilipina na nakalugay ang mahaba, hanggang puwitang buhok, Maria Clara ang suot na damit at maliban sa relos ay walang palamuti sa katawan.

Pinansin ni Junichi ang ipinipinta ni Francis, “Who is she?”

“She is a friend. Before we left, I ask her to dress like what you see now and model for me.”

“Oh yeah, what did she say?”

“She said she is honored.”

Sa pagitan ng pagkain at pagpapalipas ng oras sa iba’t ibang mga paraan ay lumipas na rin ang tila mabagal na dating ng oras.

Pagkuwa’y ipinatalastas ng isa sa mga kabilang ng crew na sila ay mag-a-approach na. Sinasabi ng stewardess sa mga pasahero:

“Ladies and Gentlemen, please fasten your seat belts, make sure your seats are in the erect position and put away, whatever you are doing.”

Kasunod nito ay ang pagkilos ng mga stewardess upang siguruhin na ang bagong katatapos ng patalastas ay nasunod.

Bumababa na ang eroplano. Nakikita na ang iba ay maganda at ang iba ay di kagandahang mga tanawin: mga malalaki at mga di kalakihang mga pagawaan; mga maaayos, malalaki at iba’y di kalakihang mga bahay; mga tabi-tabi, walang ayos at tila ginawa sa walang pamantayang mga bahay na ang mga kinakalawang na mga bubong at mga dinding at mga bakod na gawa sa kinakalawang na galbanisadong mga yero ay nagbibigay ng isang di kagandahang tanawin kung titingnan sa isang bumababa, naglalakbay na eroplano.

Pagkuwa’y narinig ng mga pasahero ang isang mahinang kalabog at ang eroplano ay mabagal at pagulong na naglabay patungo sa itinalagang lugar na hihimpilan.

Ang mga may damdamin ng pagmamahal sa lupang dinatnan ay pumalakpak at ang mga naroon sapagkat sila ay kinakailang naroon ay sumimangot at nagsalita ng ilang di kagandahang mga pangungusap:

“Here we go again,” sabi ng isa.

“Unbelievable,” sabad naman ng isa pa.

Nakalabas na sila.

Ginawa nina Francis at Junichi ang dapat gawin ng isang naglalakbay na nanggaling sa ibang bansa. Dumaan sila sa Immigration. Maingat na siniyasat ang kanilang mga passports. Ipinasok sa computer ang kanilang mga pangalan. Maayos nilang nalampasan ang Immigration.

Nagpunta sila sa baggage claim area. Tumanghod sila sa walang tigil na umiikot na conveyor sakay ang daan daang mga maleta at iba pang mga bagahe. Nakatuon ang kanilang mga mata sa bawat maleta, inaaninag ang bawat isa.

Pagkuwa’y isa-isa ay dumaan ang mga iyon sa kanilang harapan. Nag-ipon sila nang kaunting lakas at pahablot nilang kinuha ang kanilang mga maleta.

Dumaan sila sa Custom, hatak ang dalawang di gulong na maleta. Walang pagdududa ang Custom Officer sa katapatan ng kanilang mga isinulat  sa Custom Declaration Papers.

Nasa labas na sila, hatak uli ang kanilang dalawang di gulong na mga maleta.

“Hot,” sabi ni Junichi.

“This is December. This is the coolest month of the year.

“You’re kidding. Is this always like this.”

“No. When I was a kid, it was different. But you know what happened because of global warming.

“I know.”

Sa daan-daang mga kamay ay hinanap nila ang sasalubong sa kanila.

MAY KARUGTONG

                                                                                                                Rene Calalang

                                                                                                                January 11, 2010

                                                                                                                Scarborough, Ontario