AGRARIAN REFORM AT PAGLIPAT NG TITULO SA LUPA

By | February 3, 2016

 

Q. Good day po attorney, Nakita ko po yong email nyo sa website BALITA , tumutulong at nagpapayo po kayo sa mga property problems. Nakabili po kasi ako ng property.

Nasa akin na ang title with Deed of Sale( DOS) , naayos na rin sa BIR at Certificate Authorizing Registration(CAR).

Last step sa Department of Agrarian Reform( DAR) para ma transfer na under my name. But DAR needs seller thumb mark para sa affidavit. Kaya lang nag hahabol yong isa sa mga anak at tinatago na yong seller 70 plus years old na po.

May karapatan daw sya sa property. Yong property naka pangalan lang sa seller na minana nya pa sa parents nya. Sa Deed of Sale (DOS) naka thumb mark po kasi di na nakakahawak ng maayos ng pen, witnesses po yong wife and 2 daughter.

May karapatan po ba sya? Pwede po ba kami mag file ng case against him kahit di pa nalilipat yong title sa name ko? Ayaw nya rin umalis don sa property 4 months na naibenta sakin. sa kasalukuyan andon sya nakatira. Hope to hear from you soon Sir. Thank you very much.

Ans: Kung parehong buhay pa ang seller at ang kanyang asawa noong  ibininenta ng seller ang lupa sa inyo , walang karapatan ang mga anak na mag habol sa mga ari-arian ng kanilang mga magulang. Tulad pag ng pag benta na nasabing lupain sa iyo. Ang karapatan ng anak ay magiging takda lamang kung isa o lahat ng magulang nila ay namatay na.

At dahil sa bintahang ito, kayo na ang tunay na may-ari ng lupa kahit ang titulo nito ay nasa pangalan pa rin ng dating may-ari. Kahit na lagda ng nagbentang may-ari ay thumb marked lamang, at ito naman ay pinatutuhan ng kanyang asawa at anak bilang mga witnesses o testigo, at lalo na kung ang nasabing deed of sale(DOS) ay notaryado. Ito sapat na ang mga dokumentong upang mapagtibay ang inyong pag mamay-ari ng nasabing lupain.

At kung ayaw umalis ang nasabing anak doon sa inyong nabiling lupa, ay maari kayong mag sampa ng kaso for unlawful detainer laban sa nasabing anak or occupant ng inyong nabiling lupa.

Tungkol naman sa hininging affidavit ng DAR, kailangan talaga ito, bilang isang patunay na sumang-ayon siya sa bintahan at ininiwaive ang mga karapatan nila sang ayon sa batas agrario.

Sa palagay ko ang abogado ninyo ay maaring makakagawa ng legal na paraan at representation sa DAR sa ireconsider and DOS as substantial compliance ng batas ang  lalo pat ang DOS ay notaryado naman.

Salamat sa pag sulat mo at iyong pagiging bahagi ng “GLOBAL PINOY BATAS COMMUNITY.”

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

 

Material placed on this corner  is for the purpose of providing information only. It is not intended as  practice of law or legal services.  Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.  Such circumstances or  understanding of the facts as conveyed to the writer  by the sender may not actually  reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and  as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner  is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for  legal advice as regards to the information obtained in this column.

* *  *

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query  either in English or Pilipino in plain, concise and orderly  presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments  to: attyrw@gmail.com  .