Bukal sa loob

By | October 27, 2023

Ni Edwin Esteba

Magaan sa damdamin ang makatulong ka

Kahit sino pa sila kahit hindi mo kilala

Dahil sabi nila kabutihan din ang ibabalik nila

Pero hindi pala totoo, akala lamang pala

Sa bawat pagtulong ko hindi ako humihingi ng kapalit

Dahil  hindi naman nila ako pinilit

Taos sa puso ko ang magmalasakit

Pero sa totoo hindi naman ako mabait

Kaligayahan ko na ang makatulong sa kapwa

Kahit sa bandang huli ako pa ang kawawa

Sabi nga ni misis wala akong kadala dala

Eh kahit galit siya wala siyang magagawa

Sa akin naman ay marami rin ang tumulong

Hindi ko nakakalimutan lumipas man ang panahon 

Kahit matagal na wala kami komunikasyon

Respeto ko sa kanila ay naroroon

Dahil ang kanilang nagawang kabutihan

Hindi mapapantayan ng kahit anuman

Pagtanaw ng utang na loob hindi mababayaran

Habang buhay maaalala ko yan

Pero may mga taong madaling makalimot

Pag natulungan mo na hindi mo na maabot

Kaya pag naaalala mo sa ulo ay napapakamot

Sila sa pagtulong sila ay madamot. Sent from Yahoo Mail for iPhone