KARAPATANG MAG BINTA NG ARI-ARIAN NG MAGULANG. MAY PARTE BA ANG MGA ANAK ?

By | August 16, 2011

Q. Dear Atty Wong,una po sa lahat ay nagpapasalamat po ako at nagkaroon kami ng isang kababayan na nakakatulong sa aming mga problema at kayo po iyon .

Anim po kaming magkakapatid sa una ng magasawang muli ang aming ama after three years na mabalo. May mga lupain po si Tatay na namana pa niya sa kanyang mga magulang.

Lingid po sa aming kaalaman ay nagbenta silang magasawa ng 2 lupa na hindi ipinaalam sa aming magkakapatid. Ibinenta niya ito nuong nabubuhay pa siya. Ito ang aking katanungan. May parte po ba kaming 6 na magkakapatid sa pinagbilhan ng lupa?

Sana po ay matulungan ninyo kami sa problema naming ito at inaasahan ko po ang inyong katugunan sa paglabas muli nitong Balita.

Thank you in advance po and more power to you. “Ms Anonymous”

Ans:

Ito po ang sagot ng iyong katanungan:

Dahil and nasabing lupa ay hindi naman “conjugal property” ng iyong ama at ina, at ang mga nasabing ari-arian ay minana lang ng iyong ama mula sa kanyang ama, na lolo ninyo, kayo at ang mga iba pang anak ng tatay ninyo ay walang karapatan na mag mana or may kaparte sa mga nasabing lupain.

Ayon sa batas, ang karapatan ninyong mga anak na mag-mana ay mag-kakaroon lang ng bisa kung ang mga magulang ninyo or isa sa kanila ay namatay at ang mga ari-arian nito ay kanilang pag mamay-ari o bilang isang conjugal at the time of death.

Sa iyong kwento, at dahil ang nasabing ari-arian ay minana lang ng tatay mo sa kanyang ama, at ang iyong tatay ay buhay pa naman, ang inyong karapatan na mag-mana ay hindi pa “hinog” kung baga. Ang mga taga-pagmana ay magkakaroon lang ng karapatan kung ang tunay na nag mamay-ari ng mga “properties” na ito ay namatay.

Habang buhay pa ang inyong ama, wala pa kayong karapatan sa mga ari-arian nito lalo nat ang mga nasabing lupain ay hindi naman bahagi ng kanilang mga conjugal properties ng iyong pumanaw na ina.

Ngunit kung ang mga nasabing properties ay pag mamay-ari at maituturing na “conjugal” ng iyong ama at nasirang ina, kayo ay may karapatan na mag mana sa “estate” o ari-arian ng iyong ama at ina.

Hanggang sa muli at salamat sa pag-sulat at pag-subaybay mo sa
ating “Batas Pinoy corner.”