- Ask ko lang po kung paano po maisesegregate ang property ng papa ko. Kasi po apartment style po ung mana ng papa ko. limang pinto po sya at ang isa po doon ay sa kanya.pang lima pong pinto ang namana po ni papa ko at ung ibang pinto po ay nabili na ng pinsan ko at papatitle na daw po nya un, db need po muna ng segregate ang property.
kasi sa tingin ko po, iisa po ang title ng lupa. at automatic po ba na magkakaroon kami ng 2 meters wide para sa daan papunta dun sa door 5 ng apartment na namana ng papa ko..patay na po kasi mama at papa ko..kapos po kasi kami ngyon at wala pang gaanung perang pangtustos sa gastusin.
Maraming salamat po. Merry Christmas po sainyo ang God Bless
Ans: Ang dapat ninyong gawing magkakapatid na siya ring tagapagmana ng inyong mga magulang ay mag balangkas at gumawa kayo ng dokomento na ang tawag dito ay “Extrajudicial Settlement of Estate” ng yumao ninyong ama.
Dapat ang gumawan ng nasabing dokomento ay abogado ninyo. At sa dokomentong ito ay nakasaad ng kayo bilang anak at tagapagmana ng inyong ama ay pinagkakaloob sa inyo ang lahat ng ari-arian na naiwan ng inyong magulang, kasama na ang isang Pintong Apartment/bahay na minana ng inyong ama.
Kayo bilang anak ng inyong ama ay may karapatan by “Right of Representation” na humalili sa karapatan ng inyong ama doon sa kanyang minana at sa lahat ng mga ari-arian. At dahil dito, kayo ay maituturing na Co-Owners ng nasaging lupain at bahay kung saan nakatirik ang nasabing apartment style na bahay.
At bilang Co-owners, kayo ay may karapatan ng physically isubdivide o ihiwalay ang katumbas isang unit/pinto ng bahay apartment from the rest of the whole o kabuuan ng nasabing property.
Di maiwasan na di kayo gagastos sa pag claim ninyo ng nasabing mana. Una may gastos na sa abogado ang pagpagawa at pagpapanotaryo ng “Extrajudicial Settlement of Estate”. May publication pa legal notice of settlement ng estate sa newspaper of general circulation, at may bayaran din sa goberyo na Estate Tax, Documentary Tax, Transfer fees at iba.
Bukod pa rito, kailangan ninyo ring mag hire ng Geodetic Engineer or license surveyor upang gumawa ng lot or subdivision plan kung saan ihihiwalay ng mana ng iyong ama mula sa kabuuan ng titulo, dahil sa nabanggit mo,iisa lang ang titulo ng lupa kung saan nakatirik ng limang pintong bahay na isa rito ay mana o parte ng iyong tatay.
Kailangan mo rin ng dokomento na nagpapatunay na ang nasabing pinto/unit ng apartment style na bahay ay pinama sa iyong ama.
Sa kadahilanan na mga transakyon tungkol sa lupa ay masilang na bagay, mas nakakabuti sa iyo sumangguni at makipag-ugnayan sa iyong abogao upang sa ganoon ay maprotektahan ng inyong karapatan hinggil sa nasabing usapin ayon sa batas.
Maraming salamat sa paging bahagi mo “Batas Pinoy Global Community”.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .