Noong una kayo ay magkakampi
Upang hindi manalo si leni
Kaya tingnan ninyo ang nangyari
Siya ang ibinoto ng makadu30
Noon sinasabihan nyo kami ng bobo
Akala nyo ang tatalino ninyo
Tapos ngayon sasabihin naloko kayo
Kaya ano dapat ang itawag sa inyo
Noon ayaw ninyong magpatalo
Mumurahin nyo pa ang kalaban nyo
Sasabihan pang umalis na kayo dito
Wala naman kayong ambag sa gobyerno
Palagi kayong feeling biktima
Sa pagpuna palaging nangunguna
Akala nyo kayo ay perpekto na
Sa lahat ng oras ay tama ka
Sana gamitin nyo ang isip nyo
Alam ko meron naman kayong talino
Huwag na muling magpaloko
Sa mga pulitikong ginagamit tayo
Huwag tayong papadala sa emosyon
Dahil baka magkamali sa desisyon
Sinasabi lang nila ay isang ilusyon
Ulang manalo sa eleksyon
Tandaan nyo sila ngayon ay magkalaban
Sa susunod magkakampi na naman mga iyan
Dahil sila lamang ay naggagamitan
Nagiging biktima tayong mamamayan
************