Katapusang Bahagi

By | April 16, 2010

May Isang Mayor  _ Ang Kanyang Pangalan

                                     Edward S. Hagedorn

                                   {Paglalahad at kuru-kuro}

Ang  iba pang programa ni Mayor Hagedorn para sa ikauunlad ng Puwerto Princesa:

 

            Bantay Linis Program: Layunin ng programa na mapanatiling maganda at maayos ang Puerto Princesa, kaya nga bawal ang magkalat.

            Housing Program: Maraming mga tao sa mga kalapit bayan, probinsya ang nagsisipunta sa Puerto Princesa. Nais nilang dito mamuhay ng tahimik at payapa. Para maiwasang magsipag-squat sila sa mga daan at lalo na sa mga baybay dagat, inilundad ni Mayor Hagedorn ang programa sa pabahay.

            Agriculture and Fishing Industry: Karamihan sa mga mamamayan ng Puerto Princesa ay mga magsasaka at mga mangingisda. Sa pamumuno ni Hagedorn inilundad ang programa para matulungan ang mga mamamayang pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay. Sinisiguro rin niya na hindi inaabuso ng mga mangingisda ang pangingisda. {No one should overfish}

            Eco tourism: Ang isa sa pinakamahalagang industriya ng Puerto Princesa ay ang  turismo. Sinisiguro ni Mayor Hagedorn na nasisiyahan ang mga turista. Pinapananatili niyang malinis ang kapaligiran. Mapayapa at ligtas ang mga turista saan man sila pumunta. Sinisikap niyang maging kasiya-siya ang bawat oras ng kanilang pamamalagi sa pamamagitan ng mabuting serbisyo, kaaya-ayang kapaligiran at masasarap na pagkain.

            E-trycle: Sadyang napakamahal kay Mayor Edward Hagedorn ang kalikasan. Alam niyang ang mga trycle ay nagbubuga ng maruming usok dahil hindi ito gumagamit nang malinis na gasolina. Sa kasalukuyang panahon ay colour coded ang mga trycle na nagsisipamasada sa buong Puerto Princesa. Bawat araw ay may kanya-kanyang colour na trycle ang maari lang mamasada. Dahil dito, sapat lang na trycle ang nagsisipamasada. Walang napakahabang pila at hindi rin gaanong maingay maging sa kabayanan na sentro ng komersyal at industriya. Hindi rin nasasayang ang oras ng mga nagsisipagtrycle, dahil sa mga araw na hindi sila maaaring pumasada ay makapagtatrabaho sila ng iba. Hindi katulad sa iba’t ibang parte ng Pilipinas na sa dami ng nagsisipamasada ng trycle ay kayhahaba ng pila at sobra ang ingay. Madaling araw pa lang ay hindi ka na makatulog sa ingay ng mga trycle.

            E-trycle Program. Noong ika 19 ng Enero, 2007, inilunsad din niya ang E-trycle Program o Trikebayan.Layunin ng programang ito na gawing hybrid ang mga trycle. Sa halip na kurudo ay kuryente ang gagamitin. Mas matipid ang kuryente kaysa kurodo. Mga 100 hanggang 120 piso lang ang magagasta kung ikukumpara sa kasalukuyang gastos na 200 piso. Ang malaking problema  ay napakalaking gastos ang magpabago ng trycle na de kurudo sa trycle na de kuryente o hybrid. Mga 68,000 na piso raw ang magagasta.

            Dahil sa mga ginagawa ng Mayor Hagedorn para sa Puerto Princesa, napakarami na nitong tinanggap na award. Isipin na lang na ito ay kilala bilang Siyudad sa Gitna ng Kagubatan at Siyudad na pinakamalinis, isang pinakamahalagang sangkap ng “The Hall of Fame of the Philippines, para mapili sa Global Recognition Awards.

Tunay na katangi-tangi si Mayor Edward S. Hagedorn. Kaytaas ng pagpapahalaga sa kanya hindi lamang ng mga mamamayan ng Puerto Princesa kundi ng iba pang mamamayan ng Pilipinas {siyempre kasali si ako. Sayang at hindi ko siya naka-usap noong dumalaw siya sa hotel na tinuluyan namin. Sobrang pagod ko na kasi sa biyahe, kaya nakatulog ako ng mahimbing}

Nagtataka lang ako at ng kumandidato siyang gobernador ng Palawan ay hindi siya nanalo. Siguro ang dahilan ay dahil hindi siya maaaring iboto ng mga taga Puerto Princesa. It’s because Palawan was declared a highly urbanized city under section 29 of the local government, and therefore no longer under the administrative supervision of the governor. Because of such provision, residents of Puerto Princesa are not allowed to vote on the provincial level. “Too bad” Based on his performance in Puerto Princesa, Palawan could also profit from his expertise and could turn Palawan as the cleanest and greenest city of the Philippines. Sabagay sa kasalukuyang panahon ang Palawan ay isa na marahil sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas.

Kung hindi man siya nanalo noon, maaari sigurong kumandidato siya ulit sa pagkagobernador, o sa pagkakongresista kaya. Kailangang kailangan ng Pilipinas ang mga lingkod bayang tulad niya. Sayang talaga na hindi ko siya nakapanayam noon. Pagkakataong aking napalampas.

            Sa darating na halalan, sana maging matalino tayong mga botante. Sino sa  mga kandidato  ang may tunay na malasakit sa taong-bayan. Sana pag-isipan ninyo at suriing mabuti ang bawat isa.

            Sa panguluhan ay dalawa ang may matunog na pangalan. Si Ninoy Aquino na sabi ng karamihan ay mama’s boy daw at wala pang karanasan. Huwang nating kalimutan ang kanyang butihing ina, na lalong walang karanasan sa pulitika. Sabi pa nga ng karamihan ay “housewife lang daw pero isa sa mabubuti nating naging presedente”  Gustong bakahin Ninoy ang corruption {pagnanakaw at karumihan ng mga opisyales ng gobyermo Alam na alam nating isa ito sa maraming dahilan kung bakit nagkakahirap-hirap ang buhay ng mga Pilipino. Sa halip na magasta ang pera para sa kapakanan ng taongbayan ay sa bulsa ng mga kurakot pumapasok ang pera.

 Si Manny Villar na pamansag ay dating mahirap, na yumaman na gusto raw tapusin ang kahirapan. Ang kanyang negosyo ay Real State. May nabasa akong artikulo na nagsasaad  na 70 porsyemto ng Vista Real Estate ay pag-aari niya. Kayrami na ring  mga bukirin ang naging subdivision at siya ang may-ari. Sa pagkaka-alam ko, bawal sa batas na gawing subdivision ang mga palayan. Paanong nagkaganoon????????? Kung patuloy na magiging mga subdivision ang mga palayan, saan pa magtatanim ang mga magsasaka? Saan manggagaling ang bigas, ang mais, ang mga gulay atbp. kung ang dating palayan ay naging mga subdivision na at ang mga nakatira ay yaon ding may mga kaya. Saan mangagaling ang ikabubuhay ng mga mga kawawang magsasaka?

May itatanong din ako sa inyo, mga giliw kong kababayan at mambabasa ng Balita. Bakit kaya naalis siya bilang pangulo ng Senado? Ano-ano ang mga dahilan para tanggalin sa kanya ang mahalagang katungkulang ito? Magsaliksik at magsuri kayong mabuti bago ninyo itala sa balota ang  mga pangalan ng inyong mga kandidato.

Lagi tayong dumadaing na kayhirap ng buhay. Na wala tayong pambayad sa doktor, pag tayo ay nagkakasakit. Na wala tayong kakayahang magpa-aral ng anak, dahil kung may kinikita man tayo ay halos hindi pa sapat sa pagkain. Bakit? Dahil ang malaking bahagi ng pera ng taongbayan ay tuluy-tuloy sa malalalim na bulsa at matatabang account sa bangko ng mga kurakot na mga pulitiko.

Ilan kaya sa mga Kandidato sa kasalukuyan ang may tunay na loob sa bayang tulad ni Mayor Hagedorn. Sana naman para sa ika-uunlad ng Pilipinas at para sa kapakanan ng taong bayan marami pa. Sa darating na halalan, huwag nating bigyang pansin ang mga suhol at magagandang pananalita. Higit nating pag-ukulan nang masusing pagsusuri, ang ano kaya ang mangyayari kung si ganito at ganoon ang mahahalal. Magiging mabuti kaya siyang lingkod ng bayan at tagapangalaga ng kalikasan tulad ni Mayor Edward S. Hagedorn?

Sa darating ha halalan, at sa lahat ng Panahon, kasihan at patnubayan nawa tayo ng Panginoon.